Ngayong araw, kasabay ng ika-77 kaarawan ng yumaong presidente na si Cory Aquino ay masisilayan na ang kanyang monumento sa corner ng P. Burgos Drive and Roxas Blvd. sa Maynila. Pinangunahan ni Manila Mayor Alfredo Lim ang pagpapasinaya ng nasabing simbolo ng kontribusyon ng yumaong presidente sa demokrasya ng Pilipinas. Kung matatandaan ay si Cory ang kaunaunahang naging presidenteng babae ng bansa at humamon sa dating diktador na si Marcos upang mabawi ang kalayaan ng Pilipinas.
Ang nasabing monumento ay naglalarawan ng paglaban ni Cory sa panahon ng batas militar. Makikita ang popular niyang Laban sign at ang 1987 constitution na kanyang sinimulan pagkatapos siyang ihirang na pangulo ng bansa.
Si Eduardo Castrillo ang iskultor ng nasabing “memorial shrine” at si Manila Mayor Alfredo Lim ang personal na gumastos upang maisakatuparan ang paggawa ng nasabing monumento. Nabalita din na maaring gawing bayani ng bansa si Cory Aquino.
Opinion:
Iniluklok sa kapangyarihan ng bayan ang bagong pamahalaan ni Cory Aquino.
Bilang pagtubos sa pangako at panaginip ni Ninoy Aquino, nilansag ang diktaturya, ibinalik ang demokrasya at lahat ng mga karapatan at kalayaan ng mga mamamayan. Ang klima ng takot ay inalis. Kinalag ang busal na inilagay ni Marcos sa malayang pagsasalita at pamamahayag. Naging malaya ang mga pahayagan, radio, at television.
Ngunit para kay Ninoy Aquino, ang kalayaan at demokrasya ay higit sa pagkakabilanggo, pagkakapiit, at pagkakaroon ng tanikala. Walang tunay na kalayaan at bigo ang demokrasya kung ang mga mamamayan ay alipin ng karukhaan - walang sapat at maayos na pagkain para sa lahat, walang trabaho ang may kakayahan at ibig magkaroon ng hanap-buhay, walang disenteng pabahay, at ang bayan ay biktima pa rin ng mga katiwalian at masasamang pamamahala ng kanilang mga inihalal na lider.
Para kay Ninoy, ito ay mahahalagang sangkap ng tunay na kalayaan at demokrasya. Ipinaglaban ang mga ito ni Cory ngunit hindi siya lubusang nagtagumpay. Ipinaglaban din ito ng lahat ng mga sumunod sa kanya sa panguluhan ngunit pawang nabigo. Ito pa rin ang "battlecry" ng administrasyon ng Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.
Kung hindi tayo lalaya sa mga ito, alipin pa rin tayo sa sarili nating bayan. Bigo pa rin ang demokrasya at isa itong naka-babangungot na panaginip lamang!
Sikapin nating lahat - kayo, ako at tayong lahat, na maging karapat-dapat sa kalayaang pinanaginip, ipinaglaban, at pinagbuhusan ng dugo ni Ninoy Aquino - ang dakilang martir ng kalayaan!


maganda ang pnagawang ito ni Alfredo Lim.. dahil npkaraming tao ang humahanga kay Cory Aquino dapat lng itong ipag gawa ng monumento..at masilayan ng mga tao.. my krapatan din siyang maging bayanidahil sa kaniyang mga ginwa..
ReplyDeletePara sa akin, maganda ang naging parangal na ito para kay dating Pang. Cory Acquino, sapagkat isa siya sa mga taong tumulong upang makamit natin ang ating kalayaan ngayon. Isa siya sa nagmatapang upang kalabanin ang mga taong gustong tayo ay kontrolin. Siya kasama ang kanyang asawa ay isa tunay na bayani natin. Kung kaya't akin ding sinusuportahan ang parangal na ito para sa knaya. ^_^
ReplyDeleteayos to ....pero d mbabayaran ang ginawa niyang kabuthan sa ating bansa....pero kung nabubuhay pa sya cguradong maaapreciate nya to
ReplyDeletelahat ng mga tao ay maituturing nating bayani. isa na rito si Cory Aquino. Narrapat lamang siayng ipagpagawa ng monumento bilang simbolo na minsan sa kanyang buhay ay minulat niya ang mga Pilipino at naging inspirasyon siya sa ating buhay. Isa siayng tunay na bayani. nararapat lamang na makatnggap siya ng ganitong pagpupugay kahit siya ay pumanaw na.
ReplyDeletemaganda ito dahil isa siya sa mga tao na nagmulat sa mga pilipino at naging inspirasyon,,,,
ReplyDeleteSa tingin ko dapat lang natin ipagmalaki at bigyang importansya ang mga taong tumulong sa pagpapaunlad ng ating bansa.. Dapat natin silang irespeto at pag-ukulan ng pansin..
ReplyDelete